-- Advertisements --
Nag-alala ang mga fans ng American rapper na si Post Malone matapos na ito ay biglang matumba sa stage.
Naganap ang insidente sa kaniyang concert sa St. Louis, Enterprise Center sa Misouri.
Agad itong tinulungan ng mga medics at bumaba sa stage.
Inihinto ang concert ng 15 minuto hanggang muling bumalik sa pagkanta ang rapper.
Pinasalamatan nito ang mga audience dahil sa hindi sila bumitaw at hinintay ang kaniyang muling pagbabalik sa stage.