-- Advertisements --
image 238

Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang American Citizen na wanted sa kanilang bansa.

Sa ulat na inilabas ng Immigration, kinilala nito ang pun=gante na si Johnmark Katipunan Tandoc , 32 anyos.

Nahuli si Tandoc sa Roxas Boulevard sa Maynila.

Si Tandoc ay mayroong outstanding warrant of Arrest sa Estados Unidos para sa military desertion na inisyu mismo ng US Armed Forces.

Nagsilbi siya bilang specialist sa naturang sandatahang lakas na bigla na lamang nitong inabanduna ang kanyang tungkulin.

Nakatakda namang i deport si Tandoc matapos itong ma tag ng Immigration bilang undesirable at undocumented alien.

Samantala, habang hinihintay ang kanyang deportasyon ay mananatili muna ito sa Bureau of Immigration sa Bicutan Taguig.