-- Advertisements --
Lumakas pa ang tropical depression Ambo na ngayon ay nasa layong 340 kilometro sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Ayon kay Pagasa weather specialist Chris Perez, maaaring lumakas pa hanggang tropical storm category ang nasabing sama ng panahon.
Inaasahang magla-landfall ito sa Bicol region sa araw ng Huwebes.
Sa ngayon ay mabagal ang pagkilos nito, habang patungo sa kanlurang direksyon.
Taglay ng TD Ambo ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong aabot sa 70 kph.