-- Advertisements --

Inamin ng kampo ng aktres na si Amber Heard na hindi niya kakayanin na bayaran ang milyun-milyong dolyar na damages sa dating asawa na si Johnny Depp.

Ito ay matapos ang naging pasya ng US jury na pagbayarin si Heard ng $15-M na compensatory at punitive damages sa kanyang dating asawa.

Sa isang pahayag ay sinabi ng abogado ni Heard na si Atty. Elaine Bredehoft na walang kakayanan ang aktres na bayaran ang naturang danyos at nais daw nito na umapela sa hatol ng mga hurado.

Ayon pa sa abogado ni Heard, maraming mga bagay ang pinahintulutan sa korte ana hindi dapat pinayagan una palang na naging dahilan naman ng pagkalito ng jury.

Dahil aniya sa nangyaring ito sa kaso ni Heard ay isang setback at posibleng mag-discourage sa mga kababaihan na i-report ang anumang uri ng sexual harassment at abuse.

Magugunita na nag-ugat ang kaso sa pagitan ng dating mag-asawa nang maglabas ng isang pahayag si Amber Heard sa The Washington Post kung saan ay pinaratangan niya si Johnny Depp na labis daw ang pagmamaltrato nito sa kaniya.

Sa nagdaang mga paglilitis ay nakita ng hurado na sinisiraan ni Heard ang actor sa tatlong magkakahiwalay na pahayag habang sinisiraan naman daw ni Depp si Heard sa naging pahayag nito sa kaniyang mga abogado.

Dahil dito ay pinagbabayad ang actress sa asawa nito ng $10 milyon bilang compensatory damages at $5-M sa punitive damages. Habang pinagbabayad naman si Depp ng $2-M bilang compensatory damage at walang punitive damage.

Dahil aniya sa nangyaring ito sa kaso ni Heard ay isang setback at posibleng mag-discourage sa mga kababaihan na i-report ang anumang uri ng sexual harrassment at abuse.