Pormal nang nakasuhan ang si Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro, ayon kay Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr.
Ayon kay Locsin, may kaugnayan ito sa pananakit ni Mauro sa kanyang Pilipinang maid, na nakunan pa ng CCTV videos.
Isinilbi ang kaso laban kay Mauro, na isang career diplomat, kaninang alas-8:25 ng umaga.
“I sent a memo to the President on it. The Hearing Panel’s report and charge will be passed upon and approved/disapproved by the Board of Foreign Service Administration; and finally by the Secretary. It shouldn’t take too long,” ani Locsin
Hindi naman na idinetalye pa ng kalihim ang naging rekomendasyon ng investigation panel.
Magugunita na kaagad na pinauwi si Mauro matapos na inere ng isang Brazilian news outfit ang pananakit ni Mauro sa kanyang kasambahay.