-- Advertisements --

Pormal nang nagpaalam si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jinhua kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Taong 2014 nang magsimula ang tour of duty ni Amb. Zhao bilang Chinese envoy sa Pilipinas na nagsilbi rin munang ambassador ng China sa Liberia mula 2010 hanggang 2013.

Una rito sa courtesy call kagabi ni Amb. Zhao, pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang Chinese envoy sa naging kontribusyon at bahagi nito sa mas lumakas pang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng China.

Malaki aniya ang naging papel ni Amb. Zhao sa naging paglago ng bilateral relationship ng dalawang bansa.

Nagpaabot naman ng “good luck message” si Pangulong Duterte sa bagong assignment ni Amb. Zhao, habang hiniling nito na sana’y kasing galing din ni Zhao ang papalit sa kanya bilang bagong Chinese Ambassador to the Philippines.