-- Advertisements --
image 110

Patuloy na tumatama ang hangin at ulan ng bagyong Amang sa Bicol Region at mga karatig na lugar.

Huli itong namataan sa layong 35 km sa kanluran ng Virac, Catanduanes.

Kumikilos ang bagyo nang pakanluran sa bilis na 15 kph.

May lakas itong 45 kph at may pagbugsong 60 kph.

Nakataas ngayon ang signal number one sa Catanduanes, Sorsogon, Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Ticao Island, Burias Island, eastern portion ng Laguna (San Pablo City, Rizal, Nagcarlan, Pila, Liliw, Magdalena, Majayjay, Luisiana, Cavinti, Pagsanjan, Santa Cruz, Lumban, Kalayaan, Paete, Pakil, Pangil, Siniloan, Famy, Santa Maria, Mabitac), Aurora, Quezon, eastern portion ng Rizal (Tanay, Pililla, Jala-Jala).

Sa tracking ng Bombo Weather Center, makikitang babaybayin ng bagyo ang mga lalawigan ng Bicol region bago hihina bilang low pressure area (LPA) pagsapit sa Southern Tagalog area.

Ang lahat ay pinapayuhang mag-ingat sa malalakas na ulan at posibleng landslides.