CAUAYAN CITY – Pinaghahanap na ang isang binata na tumakas matapos barilin ang kanyang ama sa Balintucatoc, Santiago City.
Ang biktima ay isang Rogelito Parinas Sr., 59-anyos na magsasaka, habang ang suspek ay mismong anak nito na si Rogelito Parinas, Jr., 29-anyos,kapwa residente ng nasabing barangay.
Sa imbestigasyon ni PSSg Leo Saltat ng Station 2 ng Santiago City Police Office, sinabi niya na habang umiinom ng alak ang suspek at kapatid na si Sonny ay umuwi ang binata sa kanilang bahay.
Kasunod nito ay nakarinig si Sonny ng putok ng baril at pagkatapos ay humahangos na lumapit sa kanya ang kanilang ina at sinabing binaril sa ulo ang kanilang ama habang natutulog.
Iniimbestigahan pa ng mga pulis ang motibo ng suspek sa pagbaril at pagpatay sa sariling ama.










