-- Advertisements --
Dinukot ng mga rebeldeng grupo ang ama ng Liverpool football player na si Luis Diaz
.
Ayon sa Colombian government na hawak ng left-wing ng National Liberation Army si Luis Manuel Diaz.
Nitong Sabado ng bigla na lamang tinutukan ng baril ang ama ni Diaz kasama ang asawa nito.
Iniwan nila ang ina ng football player at tanging ang ama nito ang tinangay.
Nagsasagawa ng pag-uusap ang mga otoridad at mga rebeldeng grupo para mapalaya ang dinukot na ama ng football player.
Ang nasabing rebeldeng grupo ay siyang pangunahing natitira at aktibong guerilla group sa Colombia.
Mula pa noong 1964 ay kinakalaban na nila ang gobyerno na sinasabing mayroong 2,500 na miyembro.