-- Advertisements --

DAVAO CITY – Kinumpirma ni dating house speaker at ngayon davao del norte rep. pantaleon alvarez na himungi ito ng pondo mula kay senador Panfilo Lacson, pero nilinaw nito na ang naturang pera ay gagamitin para sa mga poll watchers na kanilang kukunin para sa May 2022 elections.

Inihayag ni ALvarez na hindi siya humingi ng kahit anong halaga para sa kanilang local candidate dahil kaya naman umano nilang ponduhan ang kampanya ng mga ito.

dagdag pa ng mambabatas na kailangang pag-lananan ng pondo ang mga poll watchers dahil kritikal umano ang trabaho nito sa panahon ng pangangampanya kung saan mismo ang mga political parties ang pumili nito para bantayan ang mga presento upang masiguro na walang dayaan na magaganap.

Ang naturang pahayag ay bilang tugon ni Alvarez sa pahayag ni Lacson na ang dahilan ng pag-resign nito sa Partido Reporma ay dahil hindi nito maibigay ang hinihingi niyang P800 million na karandagang pondo.

Matandaan na inanunsiyo kahapon ni Alvarez ang pag-endorso ng Partido Reporma sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo sa May 2022 elecctions.

Ginawa ni Alvarez ang kanyang pahayag matapus mag-resign si Lacson bilang miembro at chairman ng Partido Reporma.

Sa kanyang statement, inamin ni Alvarez na isang mahirap na hakbangin ang kanyang ginawa pero kailangan niyang magdesiysgon matapus na ang kanilang mga bground leaders ang nakaisa nga suportahan ang kandidaturta ni Robredo.