Iminungkahi ng isang mambabatas na bawasan ng 10% ang alokasyong tubig mula sa Angat dam para sa mga irigasyon para makatulong na mapatatag at matustusan ang deman sa tubig para sa mga residente sa Metro Manila sa gitna ng bumababang antas ng tubig sa naturang dam.
Ginawa ni Makati City District 2 Rep. Luis Capos Jr ang naturang panuakala bilang suporta sa plano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na mag-ipon at gamitin bilang alternatibo ang tubig ulan para sa irigasyon sa kalapit na mga probinsiya.
Saad ng mambabatas na sakaling makapagtatag ang pamahalaan ng bagong malaking storm water reservoir para sa farm irrigation maaari ng ilaan na lamang ang reserbang tubig mula sa Angat dam upang masuplayan ang demand para sa potable water sa Metro Manila.
Sa kasalukuyan kasi ayon sa mambabatas, maliban sa pagssuuplay ng Angat dam ng tubig sa 90% ng kinakailangang tubig sa rehiyon, nagbibigay din ng patubig ang dam para sa 28,000 ektarya ng sakahan sa Central Luzon.
Sa datos kahapo, bumaba sa 184 meters ang antas ng tubig sa dam o apat na metrong mas mataas mula sa critical level nito.