-- Advertisements --

Nilinaw ni Alice Dixson na hindi niya intensyon na “buhayin sa wala” ang pinagpiyestahan noon na tinaguriang “taong ahas” urban legend na kanyang kinasangkutan habang nasa isang sikat na mall sa Ortigas.

Nabatid na may tatlong dekada na ang nakakaraan mula nang pag-usapan ang naturang kuwento, pero ngayon lamang daw naging handa ang 50-year-old actress para sa detalyadong bersyon mula mismo sa kanya.

Ayon sa Binibining Pilipinas International 1986, nangako kasi siya sa isang kaibigan na kasabay ng ika-tatlongpung taon ng insidente ngayong buwan ay dapat na siyang marinig ng publiko upang matigil na ang kanya-kanyang haka-haka.

https://www.instagram.com/p/CC23mpjAzR2/

Matagal nang naging palaisipan sa publiko ang umano’y pagsusukat ni Dixon sa fitting room nang bigla itong kinuha raw ng snake man mula sa sahig na kanyang kinatatayuan, pero nakatakas.

Sinasabing binayaran na lamang ang aktres ng pamilya ng may-ari ng mall upang manatiling sikreto ang kanyang sinapit.

Walang tinukoy na petsa si Dixon kung kailan ang kanyang “tell all” pero hula ng mga fans, posibleng isabay niya ito sa kanyang nalalapit na 51st birthday.