-- Advertisements --

Kinumpirma ng ina ni Alex Gonzaga na nanganak na ang aktres.

Ayon sa ina nito na si Pinty na isang baby boy ang panganay na anak nina Alex at asawang si Lipa Vice Mayor Mikee Morada.

Hindi naman nagbigay pa ng dagdag na detalye ukol sa panganganak ng aktres.

Itinanggi naman nito ang lumabas na ulat na kambal ang anak ni Alex.

Una rito ay nagpost ang aktres ng maternity pictures na may captions na nagpapahiwatig na ito ay nanganak na.