-- Advertisements --

Sasabak sa Wimbledon women’s doubles tournament ang Filipina tennis star na si Alexandra “Alex” Eala.

Sa doubles, makaka-tandem niya ang tennis player mula Czech Republic na si Nikola Bartunkova.

Sa kanilang unang laban, makakaharap nila ang tambalang Jelena Ostapenko ng Latvia at Sofia Kenin ng United States.

Magugunitang kamakailan lang ay nagkaharap din sina Eala at Bartunkova sa finals ng WTA 125 Birmingham Open, kung saan nanalo si Eala.

Nakasama rin sila sa doubles noon ngunit natalo sa unang round.

Samantala, sa women’s singles, makakalaban ni Eala sa unang round ang tennis player mula Mexico na si Renata Zarazua.