-- Advertisements --
Abanse na sa ikalawang round ng W60 Nantes si Alex Eala matapos na talunin si Amandine Hesse ng France.
Tinalo ng 18-anyos na si Eala si Hesse sa score na 6-3, 6-2 sa laro na ginanap sa France.
Tila ito ang pagbangon ni Eala matapos ang dalawang magkasunod na unang round na pagkatalo sa International Tennis Federation tournaments.
Dominado ni Eala ang laro kung saan hindi na pinaporma pa nito ang 30-anyos na French tennis player.
Susunod na makakaharap nito si Zeynep Sonmez ng Turkey.