-- Advertisements --

Gumawa ng kasaysayan ang Filipina tennis star na si Alex Eala matapos makapasok sa ikatlong round ng Wimbledon sa kauna-unahang pagkakataon.

Tinalo ni Eala ang Australian na si Maya Joint sa second round sa iskor na 3-6, 6-2, 6-0. Matapos matalo sa unang set, bumawi si Eala at tuluyang nangibabaw sa sumunod na dalawang set para makuha ang panalo.

Dahil dito si Eala ngayon ang kauna-unahang Pilipino sa Open Era na umabot sa ikatlong round ng Grand Slam tennis tournament.

Ayon kay Eala, kinailangan niyang ibigay ang lahat ng kanyang makakaya matapos ang mahirap na unang set.

Aniya, naging inspirasyon din sa kanya ang nakaraang pagkatalo noong 2025 Eastbourne Open upang mas pagbutihin niya ang kanyang laro.

Sa susunod na laban, haharapin ni Eala ang defending champion at world-class tennis player na si Iga Swiatek sa ikatlong round ng Wimbledon sa Sabado.

Bukod sa singles competition, lalahok din si Eala sa doubles event kasama ang Czech partner na si Nikola Bartunkova.