-- Advertisements --

Pasok na sa 2nd round ng Guadalajara 125 Open si Filipino tennis star Alex Eala.

Ito ay matapos niyang pataubin ang Dutch tennis player na si Arianne Hartono sa pamamagitan ng dominanteng performance, 6-2, 6-2

Dahil sa panalo, haharapin ni Eala ang American tennis player na si Varvara Lepchenco.

Nagawa ni Lepchenco na talunin ang kaniyang kalaban sa score na 6-4, 6-1.

Ngayong taon, tatlong beses nang tinalo ni Eala ang Dutch player na si Hartono. Bago kasi ang kaniyang panalo sa Guadalajara 125 Open sa Mexico ay una niyang pinataob si Hartono sa Bengaluru Open sa India, 6-1, 6-2.

Sinundan ito ng isa pang panalo noong Canberra Open sa Australia, 6-3, 6-3.

Magtatagal ang Guadalajara Open hanggang Setyembre-6, 2025.