-- Advertisements --
Nabigo si Filipina tennis star Alex Eala sa unang round ng Jasmin Open.
Tinalo siya ni defending champion Elise Mertens ng Belgium 7-5, 6-0 sa laro na ginanap sa Monastir, Tunisia.
Sa simula ng laro ay mayroong 5-1 na advantage ang 18-anyos na si Eala hanggang makabangon si Mertens at naipanalo ang 12 straight games.
Ito ang unang pagkakataon na magkaharap si Eala at ang 27-anyos na si Mertens.
Naging masaklap ang nasabing resulta ng laban na ito ni Eala na nagwagi sa main draw matapos makapasok sa 6-1, 5-7, 6-1 na panalo laban kay Elsa Jacquemont ng France.