-- Advertisements --

Muling nagbalik sa ensayo ang Filipina star na si Alex Eala sa clay courts ng Foro Italico isang araw matapos ang kanyang dramatic three-set comeback victory laban kay Magdalena Fręch sa Italian Open.

Nag-training ang 20-anyos sa Court 7 kasama ang kanyang coaches mula sa Rafa Nadal Academy na sina Joan Bosch at Lluc Bauza.

Tumagal ng halos isang oras ang kanyang ensayo kung saan pinagtuunan niya ng pansin ang kanyang service at returns — mga aspeto na naging susi sa kanyang panalo kontra Fręch.

Dinagsa naman ng mga manonood ang paligid ng court habang nagsasanay si Eala, na mabilis na naging isa sa mga pinakapopular na manlalaro sa torneo ngayong linggo.

Kasabay ng kanyang ensayo sa mga kalapit na court ang ilang kilalang tennis stars tulad nina João Fonseca, Coco Gauff, Daniil Medvedev, at Felix Auger-Aliassime.

Pagkatapos ng training session, kumuha rin ng promotional videos at photos ang opisyal na tournament media kay Eala bago siya naglaan ng oras para sa selfies at autograph signing kasama ang mga fans.