-- Advertisements --
Pasok na sa Round of 16 ng Wimbledon si Pinay tennis star Alex Eala matapos na talunin si defending champion at World number 3 Iga Swiatek sa 3rd round.
Nakuha ng Pinay tennis star ang score na 7-6 at 6-2.
Sa first round ay nagkaroon ng matinding hamon kay Eala ang pagiging dominante ni Swiatek.
Subalit sa pagpasok ng ikalawang round ay dominado ng Pinay tennis star ang laro.
Ito na ang pangatlong paghaharap ng dalawa kung saan lamang na si Eala 2-1.
Unang nagwagi si Eala sa hard court at ngayon ay sa grass court habang si Polish tennis star ay sa clay court.
Siya lamang ang unang Filipino na nakaabot ng ikaapat na round ng Grand Slam.
















