-- Advertisements --
AFP

Inanunsiyo ngayong araw ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagbababa sa alert level 4 status na ipinatupad sa Myanmar.

Kayat pinapahintulutan na rin ang mga overseas Filipino worker na bumalik sa Mynamar na naapektuhan ng kudeta sa naturang bansa noong Pebrero 2021.

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo De Vega, ang mga Pilipinong nagtratrabaho sa Myanmar ng iligal ay makakauwi sa bansa, opisyal ng makakapagrehistro at makakabalik na sa kanilang trabaho sa Myanmar.

Sinabi ni De VEga na inaprubahan ni DFA Secretary Enrique Manalo ang pagbaba ng alert status kasunod ng mga konsiderasyon sa stability at human trafficking situation sa borders ng Myanmar.

Una ng sinabi ni De Vega na ang mga manggagawa na mahroong valid working visa para sa Myanmar ay papayagan na makabalik sa oras na maibaba na ang alert level.

Sa kasalukuyan, nasa mahigit 400 Pilipino ang patuloy pa rin na nagtratrabaho sa Mynamar kahit noong inilunsad ng military junta ang kudeta na nagpatalsik sa elected civilian government noong 2021.