-- Advertisements --

Walang basehan ang mga alegasyon na depektibo ang mga kagamitang binili ng AFP.

Ito ang reaksiyon ni Defense Secretary Delfin Lorenza kaugnay ng mga lumulutang na ispekulasyon sa naging sanhi ng pag-crash ng isang Philippine Air Force C-130 transport plane kahapon habang palapag ito sa Jolo Airport sa Sulu.

Ito’y kasunod ng pagbagsak kamakailan ng isang bagong-biling blackhawk helicopter habang nagsasagawa ng night-flying exercise sa Capas Tarlac.

Ayon sa kalihim, nagpapatuloy parin ang imbestigasyon sa mga naunang insidenteng kinasangkutan ng mga sasakyan ng Air Force.

Aniya ang mga malisyosong ispekulasyon ay pambabastos sa mga apektadong tauhan ng Air Force at kanilang mga pamilya.

Nanawagan naman ang kalihim sa publiko na iwasan ang pagkakalat ng tsismis tungkol sa insidente.