-- Advertisements --

Naghain ng pakikipag-ayos ang actor na si Alec Baldwin sa pamilya ng babaeng aksidente niyang nabaril gamit ang prop gun sa isang shooting ng kaniyang pelikula.

Ayon sa actor na mayroon na silang inihain na civil settlement sa pamilya ng 42-anyos na cinematographer na si Halyna Hutchins.

Dagdag pa ng actor na ito ang nakikita nitong magandang paraan para sa anak na rin ni Halyna.

Kasabay din nito ay inanunsiyo ng actor na siya ring producer ng pelikulang “Rust” ang pagpapatuloy nila ng shooting sa buwan ng Enero sa susunod na tao.

Magugunitang noong nakaraang taon ay napatay ng actor si Hutchins gamit ang prop gun habang shino-shoot ang pelikulang Rust sa New Mexico.