-- Advertisements --

Sinisi ng Albania ang Iranian government sa naganap na cyberattack sa mga computer system ng mga Albanian state police.

Ang nasabing pahayag ay ilang araw matapos ang pagkondina ng White House sa siyang dahilan ng pagkasira ng ilang websites ng Albanian government.

Dahil sa pangyayari ay temporaryog nag-offline ang Total Information Management System (TIMS) ng Albania.

Sinabi ni Albanian Prime Minister Edi Rama na parehas din aniya ang uri ng ginawang pag-atake ng mga cyberattackers noong buwan ng Hulyo.

Magugunitang pinatawan ng US ng sanctions ang Iran dahil sa ginawa nilang cyberattacks noong Hulyo.