-- Advertisements --

Naglatag na ang Department of Science and Technology (DOST) ng mga plano at preparasyon alinsunod sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Luzon dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa isang Facebook post sinabi ni Science Sec. Fortunato de la Peña na katuwang nila ang Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) sa pagsisigurong maipapatupad ang mga kailangang serbisyo.

Kabilang sa mga ito ang test kits na dinevelop ng UP National Health Institute at partner offices; application na binuo ng researchers mula Ateneo de Manila University na kayang mag-predict sa duration ng COVID-19 outbreak; at pagsasaliksik sa virgin coconut oil bilang posibleng gamot sa sakit.

“National University of Singapore-Duke Center and Ateneo de Manila’s virgin coconut oil (VCO) researchers for the testing of Philippine VCO for anti-COVID19 virus properties.”

“A foreign bilateral partner (four are being contacted) for possible clinical trials in the Philippines for the vaccine or drug they have developed in their R&D centers.”

Nakipag-partner na rin daw ang Philippine Textile Research Institute sa local government unit sa Rizal at private sector para sa produksyon ng 500,000 reusable face masks.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, handa rin nilang ibahagi ang mga hindi nagamit na face masks na donated noong sumabog ang bulkang Taal.

Bubuksan naman ng Industrial Technology Development Institute ang kanilang Food Innovation Facilities para sa produksyon ng processed food, tulad ng 15,000 packs ng RTE Arrozcaldo Chicken at 3,000 na kanin para sa mga rehiyon.

Ganito rin ang target ng Food and Nutrition Research Institute na magbibigay ng complimentary food sa mga sanggol at bata.

“They are available in 37 technology adopters which are either LGUs, SUCs, NGOs or private enterprises in different regions.”

Bukod sa nasabing mga ahensya, ilang tanggapan pa sa ilalim ng DOST ang nagpahayag ng kanilang mga plano bilang tugon sa sitwasyon ng buong rehiyon.