Inilabas ng Food and Drug Administration (FDA) ang listahan ng mga inaprubahang brand ng COVID-19 test kits na maaari na raw magamit comercially.
Dalawa sa mga ito ang galing China, na id-distribute ng S&S Enterprise at Sahar International.
Ang dalawa naman ay manufactured mula South Korea, at id-distribute ng Endure Medical Inc., at Wellness Pro Incorporated.
Ayon kay FDA director general Eric Domingo, naka-comply ang mga kompanya sa requirements na nasa ilalim ng kanilang Memorandum No. 006 o “Issuance of Special Certification for Imported Test Kits of COVID-19.”
Paliwanag ng opisyal, pawang mga Polymerase chain reaction (PCR)-based reagent test kits ang mga inaprubahan na maaari lang gamitin sa laboratoryo, at hindi sa pribado o pansariling gamit.
Una ng binigyan ng certificate of exemption ng FDA ang SARS CoV-2 PCR Detection Kit na dinevelop ng UP-National Institute of Health.
Tinatapos na lang ngayon ng grupo ng mga eksperto ang field validation at iba pang requirements para maging ready na rin for commercial use ang kanilang imbensyon.