-- Advertisements --

KALIBO, Aklan —- Itinuturing ng isang Aklanon na gantimpala sa kanyang pagsisikap sa pag-aaral ang mapabilang sa Top 10 sa Dentistry Licensure Examination.

Sa interview ng Bombo Radyo, sinabi Dr. Mary Diane A. Garcia, Top 7 sa naturang eksaminasyon, nag-uumapaw ang kanyang kaligayahan at ng kanyang pamilya nang malaman ang magandang balita.

Sa katunayan aniya ay hindi niya inaasahang isa siya sa mga mangunguma dahil hangad lamang niyang makapasa sa piniling profession.

Pinasalamatan nito ang kanyang pamilya na nagbigay umano sa kanya ng suporta simula sa pag-aaral hanggang sa pagkuha ng pagsusulit.

Sa kasalukuyan ay hinihintay na lamang niya ang kanilang panunumpa, kung saan, kasama sa kanyang plano ay pagbibigay ng serbisyo sa kanyang mga kababayan sa Aklan.

Sa kabuuang 1,660 na kumuha ng eksaminasyon, 731 lamang sa mga ito ang nakapasa.

Isinagawa ang eksaminasyon ng Board of Dentistry noong Enero 2022 sa Manila, Baguio, Cebu, Davao at Iloilo.