KALIBO, Aklan — Nanawagan ang grupo ng mga mamamahayag sa Aklan sa Department of Justice (DOJ) na laliman pa ang imbestigasyon sa pagpaslang sa broadcast journalist na si Percy Lapid.
Sa ipinalabas na kalatas ng bagong tayong Aklan Media Integrated Alliance (AMIA) kay DOJ Secretary Crispin C. Remulla nakakabahala na ang kasalukuyang pag-atake sa mga journalist kung saan nanawagan sila ng seguridad at proteksiyon.
Kailangan na umanong gamitin ng mga awtoridad ang angking lakas at impluwensya upang matukoy kung sino ang nasa likod ng Lapid slay-case.
Giit pa ng mga ito na kailangang masiguro ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga mamamahayag sa pagpapalabas ng katotohanan, patas at hustisya sa bansang may demokrasya.
Ang nasabing kalatas ay pirmado ng lahat ng mga mamamahayag sa Aklan.
Nabatid na ang mga magulang ni Lapid ay kapwa taga-Aklan.










