-- Advertisements --
Ibinahagi ng sexy actress AJ Raval ang matagumpay na pagkakatanggal na ng kaniyang breast implant.
Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng larawan na may hawak na dalawang silicone.
Makikita rin na nakasuot ito ng elastic bandage na nagpapatunay na galing ito sa isang medical procedure.
Sinabi nito na noon pang 2022 ay nais na niyang ipatanggal ang silicone subalit hindi ito natuloy.
Ipinalagay niya ang nasabing silicone noong 2020 dahil sa pag-udyok ng kakilala at dahil sa kasabikan ay nagpakarga na ito.
Subalit matapos ang isang taon ay napagtanto niya na dapat ay alisin na niya.
Plano na ng sexy actress na magpa-enhance na lamang ng dibdib.