-- Advertisements --

Inihayag ni Senate Committee on Public Services chair Senator Grace Poe na mistulang nakakabahala na ang airspace shutdown na nangyari sa ikalawang pagkakataon sa mismong Chinese New year.

Noong araw ng linggo, Enero 22 nasa 9 na flights ang naapektuhan kasabay ng isinagawang maintenance procedures ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa kanilang navigation system.

Ito ay tatlong linggo pa lamang ang nakakalipas mula ng mangyari ang airspace shutdown noong mismong New Year’s day,

Giit ng Senadora na dapat na nag-abiso muna ang CAAP at dapat na ni-reschedule ang ilang flights. Tila hayagan din aniya na hindi isinasaalang-alang ang posibilidad ng mararanasang shutdown ng uninterruptible power supply (UPS) habang isinasagawa ang kanilang maintenance procedures.

Tila isang katanungan aniya kung kaya talaga ng CAAP na kumpunihin at i-recalibrate ang kanilang Air Traffic Management/Communications, Navigation, and Surveillance system nang walang tulong mula sa kanilang competent maintenance provider gaya ng Thales at Sumitomo.

Humingi naman ng paumanhin ang CAAP at inako ang repsonsibilidad sa nangyaring airspace shutdown.