CENTRAL MINDANAO-Patay on the spot ang isang mamimili ng alagang hayop sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Jay-Ar Mamites,37 anyos,may asawa,ahente ng hayop na kakatayin at residente ng Purok 1 Sitio Poypoyon Barangay Dualing Aleosan Cotabato.
Ayon kay Pikit Chief of Police Major Maxim Peralta na sakay ang biktima sa kanyang minamanehong topdown na motorsiklo na may kargang alagang baka at kambing na kanyang nabili kung saan papauwi na ito sa kanyang bahay.
Ngunit pagsapit ni Mamites sa bahagi ng Brgy Langayen Pikit Cotabato ay bigla itong hinarang ng mga hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang mga salarin lulan ng motorsiklo at tangay ang sling bag ng biktima na naglalaman ng pera.
Patay on the si Mamites nang magtamo ng tama ng bala sa mukha at ulo.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit PNP sa pamamaril patay sa biktima.










