-- Advertisements --
President George Barcelon

Iginiit ng Head ng pinakamalaking business group sa bansa na hindi dapat kalimutan ng Pilipinas na pataasin ang kasanayan ng agricultural workers kahit na sinisikap nitong itaas ang kakayahan ng mga IT worker.

Ayon kay Philippine Chamber of Commerce and Industry President George Barcelon na habang ang upskilling sa mga industriya tulad ng business process outsourcing at electronics ay mahalaga, dapat pa ring bigyan ng priyoridad ang industriya ng agrikultura at agricultural workers.

Binigyang diin ni Barcelon sa isang forum tungkol sa job and skills mismatch sa bansa na alam naman ng lahat na ang agrikultura ang ‘top of mind’ para sa bansa dahil kailangan natin magkaroon ng food security at food sufficiency.

Dagdag pa ni Barcelon, maaari ding maging malaking job generator ang agrikultura.

————-
Headline: Balikbayan OFW, patay matapos masagasaan ng nagmamadaling ng motorsiklo
loop: Balikbayan OFW Glen Salcedo, driver Joselito Santiago

Patay ang 67-anyos na overseas Filipino worker na kakauwi lang sa bansa nitong Agosto 23, ito ay matapos masagasaan ng motorsiklo sa Mangaldan, Pangasinan.

Aminado ang rider na si Joselito Santiago na nag mamadali siya. Kaya naman humihingi ito ng tawad.

Batay sa salaysay ng katiwala ng biktima na si Armando Garcia, tumatawid umano sila sa national highway sa Barangay Bantayan, nang mabundol ang biktima na si Glen Salcedo ng motorsiklo na mabilis magpatakbo.

Paliwanag ng driver, galing pa siyang trabaho at nagmamadaling magmaneho dahil uulan umano.

Napag-alaman naman na galing pang Amerika si Salcedo at plano sanang ipagdiwangang kaniyang kaarawan sa Pilipinas sa darating na Oktubre.