-- Advertisements --
Halos walang gaanong pag-usad ang bagyong Agaton sa nakalipas na mga oras.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa coastal waters ng Marabut, Samar.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 60 kph.
Signal No. 1:
Southern portion ng Masbate, Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, northeastern portion ng Cebu, kabilang na ang Camotes Island, eastern portion ng Bohol, Surigao del Norte at Dinagat Islands.