-- Advertisements --
Phivolcs DOST Office Wiki Patrick Roque

Umakyat na sa 1,103 ang kabuuang bilang ng aftershocks na naranasan sa Davao de Oro, matapos ang malakas na lindol doon kamakalawa.

Sa naturang bilang, 181 ang plotted o na-detect ng dalawa o higit na pasilidad ng mga eksperto.

Habang 27 naman sa mga ito ang naramdaman ng mga residente.

Ang mga pagyanig ay nai-record mula magnitude 1.5 hanggang magnitude 5.9.

Sa pagtaya ng Department of Science and Technology (DOST), magtatagal pa ang aftershocks hanggang sa mga susunod na linggo.

Kaya naman, pinag-iingat pa rin ang publiko, lalo na ang mga nasa mga gusaling nakitaan ng bitak dahil sa tectonic earthquake.