Umaabot na sa halos 7,000 ang aftershocks na naitala mula sa 7.4 magnitude na lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur noong Disyembre 2, 2023.
Sa nasabing bilang, nasa 1,700 ang plotted ng mga eksperto o na-detect sa pamamagitan ng dalawa o higit pang monitoring facility ng Phivolcs.
Nasa 61 naman ang actual na naramdaman ng mga residente sa mga ito.
May lakas itong 1.2 hanggang 6.6 magnitude.
Natukoy ang mga iyon sa pamamagitan ng Bislig City Station ng Phivolcs.
Samantala, nasa 3,434 ang aftershocks mula sa 6.8 magnitude na lindol sa Cagwait, Surigao del Sur.
Nasa 761 ang plotted at 10 naman ang actual na naramdaman ng mga residente.
Naglalaro ang lakas ng mga ito mula sa 1.3 hanggang 5.8 magnitude.
Na-detect naman ang mga iyon sa pamamagitan ng Tandag City, Surigao del Sur Station ng Phivolcs.