-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Humingi ng direktang tulong ang Armed Forces of the Philippines sa taong-bayan patungkol sa laban ng estado sa grupo ng mga terorista na kumikilos at nangggulo sa katahimikan sa bansa.

Ginawa ni AFP Western Mindanao Command spokesperson Maj. Andrew Linao ang apela kaugnay sa pagkapaslang na ng itinuring na ’emir’ o pinaka-pinuno ng Philippines-based ISIS inspired terror group na si Farahuddin Hadji Benito Satar alyas Abu Zacharia habang lihim na nagpapahinga sa kanyang safehouse sa Barangay Bangon,Marawi City,Lanao del Sur nitong linggo lamang.

Sinabi ni Linao na ang pagkatunton ang pagsilbi sana ng pulisya ng mga kinaharap na court warrant of arrests ni Zacharia ay bunga ng ginawa na pakikialam ng publiko sa presensiya nito kaya nakasa ang pinag-isang operasyon.

Ito ang dahilan na patuloy na humingi ng tulong ang AFP kasama ang PNP upang hindi na makapaghasik kaguluhan ang mga terorista sa alinman mang habagi ng bansa.

Si Zacharia kasama ang kanyang supply officer na si Junaid Sandab alyas Abu Mursid ang magkasunod na napatay ng AFP-PNP operations sa Marawi City.