CAGAYAN DE ORO CITY – Tila kinatigan ni Armed Forces of the Philippines chief of staff General Romeo Brawner Jr ang umano’y pag-amin ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) na sila ang nasa likod pagpasabog ng improvised explosive device (IED) sa kasagsagan ng Catholic holy mass sa Dimaporo Gymnasium ng Mindanao State University,Marawi City,Lanao del Sur.
Ito ang reaksyon ng heneral nang humarap sa media sa pagbisita nito sa Marawi City kaugnay sa patuloy na imbestigasyon ng SITG MSU Dimaporo Gymnasium Explosion at ang tuloy-tuloy na pagtugis ng 103rd IB,Philippine Army sa Dawlah Islamiyah-Maute-ISIS na ka-engkuwentro nila sa bayan ng Piagapo,Lanao del Sur kahapon ng madaling araw.
Sinabi ni Brawner na hindi maisantabi ang nabanggit na kunwari pag-ako ng international-based terror group dahil nasangkot na ang mga ito sa 2017 Marawi Siege na kumitil ng higit libo na buhay ng katao.
Una nang naninawala ang liderato ng AFP na ang Mindanao-based terror group na naka-engkuwentro ng Western Mindanao Command sa magkaibang lugar ng Maguindanao del Sur,Basilan at Lanao del Sur ang utak ng IED explosion dahil sa nasa 14 na terorista ang nasawi noong unang linggo ng Disyembre.
Magugunitang tinuligsa ng husto ng intertnational community partikular sa liderato ng simbahang Katolika ng Vatican ang tahasang pag-atake ng mga terorista habang nagsisimba ang MSU-Marawi students na nag-resulta ng ilang buhay ang nasawi at sumugat ng maraming iba pa kahapon ng umaga.