-- Advertisements --

armyair

Nagpasalamat si AFP (Armed Forces of the Philippines) chief of staff Gen. Andres Centino sa Semirara Mining and Power Corporation para sa kanilang donasyong eroplano sa Philippine Army.

Ang nasabing kompanya ay pag-aari ng pamilya Consunji.

Kasama ng AFP chief sina Philippine Army vice commander Major General Henry Doyaoen at Defense Undersecretary Cardozo Luna, sa paglagda ng deed of donation sa turnover ceremony sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City.

Ang segunda-manong Short Brothers & Harland SD3-30 ay twin-engine turbo-prop aircraft na may kapasidad na 27 pasahero.

Ayon kay Usec. Luna, ang donasyon ay malaking tulong para mapalakas ang kakayahan ng Army aviation forces.

Sinabi naman ni Gen. Doyaoen na ang eroplano ay gagamitin ng Philippine Army sa pagbibigay ng suporta sa mga ground troops.