Binati ni AFP Spokesperson Marine MGen. Edgard Arevalo ang kanyang mistah na si PBGen Ronaldo Olay sa pagkakahirang nito bilang bagong PNP Spokesperoson.
Ayon kay Arevalo cadet Captain si Olay nang sila ay magtapos sa Philippine Military Academy ” Bigkis-Lahi” Class of 1990.
Kilala aniya niya si Olay bilang isang masipag at propesyonal na lingkod bayan na isang malaking asset para sa PNP.
” Yes, he confirmed his designation to me when I asked him. I personally know him. Very diligent and professional yang Mistah ko na yan at magaling ! An asset to the PNP. He was a cadet Captain when we graduated from PMA in 1990.
I wish him all the best in this both demanding and challenging job in public affairs,” mensahe na ipinadala ni Arevalo sa Bombo Radyo.
Si Arevalo at Olay ay mag mistah, kapwa miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1990.
Papalitan ni Olay si outgoing PNP Spokesperson at PBGen. Ildebrandi Usana na magreretiro sa serbisyo ngayong araw.
Si Usana ay nanungkulan bilang tagapagsalita at Hepe ng PNP Public Information Office sa pagsisimula ng termino ni PNP Chief PGen. Debold Sinas.
Sa darating na Mayo 8 ay nakatakda na ring magretiro sa serbisyo si Sinas pagsapit ng kanyang ika-56 na kaarawan.