Hinimok ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga kandidato sa darating na halalan na huwag magpaloko sa “permit to campaign/permit to win†modus ng New People’s Army (NPA).
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato, bilyong piso ang kinikita ng NPA sa pamamagitan ng pananakot sa mga kandidato.
Mayroon na aniyang “fixed price†na sinisingil ang NPA sa mga kandidato, depende sa posisyon na tatkbuhan nila para hindi sila patayin.
Giit ni Detoyato, simpleng extortion lang ang modus na ito ng NPA, na nais nang ipatigil ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Payo ni Detoyato sa mga kandidato na makipag-coordinate lang sa pinakamalapit na AFP o Philippine National Police (PNP) unit sa lugar para sa seguridad kung may banta sa kanila ang NPA.
Ang PNP aniya ang bahala sa personal security, habang ang AFP naman ang bahala sa pagse-secure ng buong area.









