Nanatiling nakaalerto ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) kahit tapos na ang halalan.
May nakapwesto na mga sundalo at sa may bahagi ng People Power Monument sa White Plains at EDSA-Shrine sa Ortigas.
Ang mga sundalo, may mga inilatag na military tent at nagpwesto ng 6×6 truck sa parehong lugar.
Habang ang mga pulis naman ay may itinayong Police assistance desk.
Ayon sa mga sundalo at pulis na nagbibigay seguridad sa people power monument at edsa shrine na bahagi ito sa kanilang deployment at contingency plan.
Paghahanda na rin umano ito sa anumang posibleng inisidente kasama ang mga magsasagawa ng kilos protesta.
Matatatandaan na kapwa sinabi ng PNP at AFP na kasama rin sa kanilang paghahanda ang mga post election related incidents.
Maliban sa People Power Monument at EDSA-Shrine, sinabi ng mga pulis at sundalo na may mga iba pang lugar sa Metro Manila ang pinuwestuhan ng kanilang pwersa.
Samantala, ayon naman kay PNP Directorate for Operations chief, PMGen. Val De Leon, naka alerto pa rin ang PNP lalo na sa mga post election incidents.
Aniya, hindi nila hahayaan na may mangugulo.
Mahigpit din nila binabantayan ang mga magsasagawa ng kilos protesta.