-- Advertisements --

No comment muna ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa isyung amnesty na posibleng ipagkaloob umano kay Idang Susukan.
Ayon kay AFP Spokesperson MGen Edgard Arevalo ang nasabing isyu ay isang legal na usapin. Ibig sabihin lamang nito ay hindi na ito sakop ng militar.
Sinabi ni Arevalo isa itong political decision batay sa magiging rekomendasyon ng Department of Justice (DOJ).
Pagtiyak ni Arevalo, suportado ng AFP ang anumang magiging hakbang ng gobyerno sa kaso ni Idang Susukan.
Batay kasi sa report bahagi sa deal na ikinasa ni Misuari sa gobyerno na bigyan ng amnesty si Susukan matapos itong sumuko.










