-- Advertisements --

Nakikiisa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa buong Sambayanan sa pagdiriwang ng National Womens Month ngayong buwan ng Marso.


Ayon kay AFP Chief of Staff Lt Gen. Cirilito Sobejana na kanilang binibigyang pugay ang mga naging kontribusyon ng mg kababaihan sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Siniguro din ni Sobejana na wala ng diskriminasyon sa kanilang hanay bagkus kanilang patuloy na isinusulong ang gender equality.

Sa ngayon, nabibigyan na rin ng pwesto ang mga kababaihan na nuoy mga lalaking sundalo lamang ang may hawak.

” The Armed Forces of the Philippines joins in honoring the valuable contributions, advancing the rights and celebrating the pride and work of every woman in our constant pursuit to eliminate discrimination and push forward gender equality,” pahayag ni Sobejana.

Binigyang-diin naman ni Sobejana na sa panahon ng pandemya, ipinakita ng mga kababaihan ang kanilang lakas para harapin at labanan ang hindi nakikitang kalaban ang Covid-19.

Nakikilala na rin sa ngayon ang mga kababaihan dahil sa kanilang tapang para pagsilbihan ang bayan.

” In our country alone, women empowerment has been further manifested throughout the years, even more so during the onset of the unprecedented crisis brought about by the Covid-19 pandemic,” wika ni AFP chief.

Pagtiyak naman ni Chief of staff, na makakaasa ang publiko na ibibigay ng AFP ang respeto na karapat dapat para sa mga kababaihan.


” Your Armed Forces will do whatever it takes to contribute in the national campaign of upholding and advancing womens right. I beleived in order for us to achieve this we must start first from within,” giit ni Sobejana.