-- Advertisements --

Nagdeploy pa ng mga karagdagang barko at tauhan ang pilipinas sa West Philippine Sea.

Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. sa naging eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Philippines kung saan sinabi niyang ito ay bahagi ng mga adjustments na kanilang ipinatupad sa deployment ng mga kasundaluhan sa nasabing pinag-aagawang teritoryo nang dahil pa rin sa patuloy na presensya doon ng China.

Kaugnay nito ay sinabi ni Brawner na mas madalas na rin ngayon ang ginagawang pagpapatrolya sa naturang lugar sa gitna narin ng pagpapatupad ng whole of the nation approach sa pagbabantay dito sa tulong na rin ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan kabilang na ang Philippine Coast Guard, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, at maging ng mga mangingisda.

Naniniwala raw kasi siya na ang pinakamahalagang aspeto sa pagpapanatili sa soberanya at pagprotekta sa sovereign rights ng ating bansa ay sa pamamagitan ng pagpapakita ng physical strength sa lugar dahilan na rin kung bakit nagtalaga ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ng mga sundalo sa iba’t-ibang features na ating inookupa sa WPS.

Sa pamamagitan kasi aniya nito ay naipapakita ng Pilipinas na hindi makapapayag ang ating bansa na magpaapi sa sinuman kasabay ng pagbibigay-diin sa ating karapatan sa naturang lugar.

Ngunit gayunpaman ay nilinaw pa rin ni Gen. Brawner na hindi lamang puro girian ang pamamaraan ng Pilipinas na para sa pagtataguyod ng ating karapatan sa West Philippine Sea sapagkat kabilang din aniya sa overall effort ng ating bansa.