-- Advertisements --

Humingi nang paumanhin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagpost kahapon nang listahan ng pangalan ng mga estudyante at alumni ng University of the Philippines (UP) na kanilang pinaparatangan bilang mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

Sinabi rin ng Civil Military Operations Office ng AFP na gumulong na ang imbestigasyon para matukoy kung sino ang dapat panagutin sa nangyari.

Kasabay nito ay tinitiyak ng AFP na kanilang nire-review na ang proseso at panuntunan upang matiyak na hindi na mangyari ulit sa hinaharap ang naturang insidente.

Maging si Defense Sec. Delfin Lorenza ay kinukonsidera rin ang insidenteng ito bilang “unpardonable graffe,” at sinabi na dapat humingi talaga nang paumanhin ang militar sa mga indibidwal na hindi naman dapat nakasama sa naturang listahan.

Kabilang sa mga pinaratangan at nakasama sa listahan ay si Atty Rafael Aquino at dating Department of Health (DOH) undersecretary Alexander Padilla.