Nagsasagawa ngayon ng follow up Operations ang JTF Sulu para matunton ang lokasyon ng limang Indonesian fishermen na dinukot ng ASG sa karagatan ng Sabah Malaysia.
Ayon kay AFP Chief of staff Lt. Gen. Filemon Santos na narekober ng JTF Sulu ang speedboat na ginamit ng umano ng ASG group sa pag-kidnap ng limany Indonesian fishermen.
Ang narekober na speedboat sa Sulu ay positibong kinilala ng tatlong Indonesian crewmen na siyang ginamit sa pagdukot sa kanilang limang kasamahan.
Kumpirmado narin aniyang ASG ang dumukot sa mga mangingisda dahil sa napatay na ASG member sa operation ng militar kung saan narekober ang speedboat.
Dagdag ni Santos, may isa pang ASG ang napatay sa follow up Operations ng militar pero wala parin aniyang kumpirmasyon sa lokasyon ng mga dinukot na mangingisda.
Nuong January 16 ng dukutin ang lima sa walong mangingisda na sakay ng isang Malaysian fishing vessel, sa karagatan ng Sabah Malaysia malapit sa border ng Pilipinas.










