-- Advertisements --
WPS

Binigyang diin ng Armed Forces of the Philippines na hindi dinidiktahan ng Estados Unidos ang Pilipinas pagdating sa mga ginagawang hakbang ng ating bansa nang may kaugnayan sa mga usapin sa West Philippine Sea.

Ito ang iginiit ng AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar kasunod ng mga alegasyong impluwensya lamang umano ng Amerika ang mga effort na isinasagawa ng sandatahang lakas ng pilipinas hinggil sa mga pagbubulgar nito sa ginagawang mga aksyon ng china sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Punto ni Aguilar, isang malayang bansa at mayroong independent foreign policy ng pilipinas kung kaya’t isa aniyang malaking insulto ang mga alegasyong ito sa ating bansa.

Kung maaalala, una rito ay sinabi ng chinese foreign ministry na walang karapatan ang estados unidos na makialam sa problema sa pagitan ng pilipinas at china sapagkat ito aniya ito kasama sa naturang issue.

Kasabay nito ay iginiit din ng nasabing bansa na hindi dapat na makaapekto sa sovereignty at maritim interests ng china sa west philippine sea ang umano’y pagtulong na ginagawa nito sa ating bansa dahilan kung bakit hindi anila pang hikayatin ng amerika ang pilipinas na mas igiit ang mga sinasabi nitong “Ilegal” na claims nito sa naturang lugar.

Matatadnaan na kamakailan lang ay muling in-update ng pilipinas at estados unidos ang guidelines nito para sa 1951 mutual defense treaty ng dalawang bansa kung saan partikular na binanggit na ang mutual defense commitments ay posibleng ma-invoke sa oras na magkaroon ng mga armadong pag-atake sa alinman sa dalawang bansa saan mang bahagi ng west Philippine sea.