Nakatakda nang mag retiro sa serbisyo sa unang linggo ng Agosto si AFP Chief of Staff Gen. Felimon Santos Jr., matapos ang halos 40 taon sa military service.
Kaya nagsimula ng mamaalam si Santos sa mga tropa.
Binisita ni AFP chief ang mga tropa sa Philippine Navy at Philippine Army kahapon July 28,2020.
Kapwa winelcome nina Army chief Lt.Gen. Gilbert Gapay at Navy Flag-officer-in-Command Vice Admiral Giovanni Bacordo si Santos sa kanilang headquarters.
Sa ginawang pagbisita ni Santos sa Navy pinarangalan siya ng honorary Flag Rank Command Badge, habang sa Philippine Army binigyan siya ng Combat Commander’s Kagitingan Badge.
Kapwa binigyan ng briefing nina Gapay at Bacordo si Santos hinggil sa kani-kanilang mga command accomplishments.
Naisumite na rin ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang mga pangalan na inirekumenda ng Board of Generals para maging susunod na AFP chief.
Hinihintay na lamang ang anunsiyo ng Malakanyang kung sino ang magiging susunod na AFP chief.