-- Advertisements --

Nagbawas na ng mga sundalo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Sulu matapos na humina na ang banta mula sa extremist groups gaya ng Islamic state-linked Abu Sayaff.

Patikul sulu

Ayon kay Maj. Gen. Ignatius Patrimonio, commander of the Army’s Joint Task Force Sulu, bunsod ng gumagandang security status sa Sulu, nagbawas na sila ng pwersa mula sa apat hanggang sa tatlong brigades na lamang kung saan sa isang brigade ay binubuo ng battalions na mayroong 300 hanggang 500 sundalo bawat batallion.

Ipagpapatuloy anila ang naturang monetum sa pamamagitan ng pagpokus sa mga operasyon kung saan sa kasalukuyan patuloy na nakakaranas ng mas pinabuting seguridad ang mga komunidad.

Tinukoy naman ng commander ng Army sa Sulu na ang patuloy na pagsuko ng mga miyembro ng Abu Sayaff sa militar para makapag-avail ng assistance packages mula sa gobyerno at muling makabalik sa lipunan.

Sa datos ng AFP, nasa kabuuang 983 bandido ang sumuko mula noong 2017 hnaggang noong Agosto ng kasalukuyang taon.

Sa kabila nito, iginiit ni Patromonio na hindi pa rin nagpapakampante ang militar dahil nananatiling at large ang dalawang top bandit leaders na sina Mundi Sawadjaan and Radullan Sahiron.

Ayon naman kay Department of National Defense officer-in-charge Undersecretary Jose Faustino Jr., hindi lamang sa Sulu ang bumubuti na ang security situation kundi maging sa iba pang mga lugar gaya ng Zamboanga Peninsula at Central Mindanao na nasa ilalim ng area of responsibility ng Western Mindanao Command.

Isa rin sa dahilan kung bakit nagbawas ng tropa ang militar ay dahil sa dumadaming bilang ng mga sundalong tausug na sumapi sa militar.