
Inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na muli itong magsasagawa ng ika-38 bilateral Balikatan Exercises kasama ang United States Military sa mga a lugar na sakop ng AFP Western Command (Wescom), Visayas Command (Viscom), at Northern Luzon Command (NoLCom).
Ayon kay AFP-Public Affairs Office chief Col. Jorry Baclor, target isagawa ang nasabing aktibidad sa ikalawang linggo ng buwan ng Abril ngayong taon ngunit nilinaw na kasalukuyan pa nilang pinaplantsa ang mga paghahanda para rito.
Aniya, sa ngayon ay hindi pa rin malinaw kung ilang indibidwal ang makikilahok dito dahil kasalukuyan pa aniya nilang tinatalakay ang pagsasapinal nito.
Ang planning at execution ng ng Balikatan 38-2023 ay pangungunahan ng Armed Forces of the Philippines, na susuportahan naman ng United States Armed Forces na pinaniniwalaang magreresulta ng panibagong development sa kakayahan ng naturang hukbo hindi lamang pagdating sa external defense operations kundi pati na rin sa pagtupad nito sa kanilang obligasyon sa pakikipagtulungan sa ibang bansa pagdationg sa pakikipaglaban sa terorismo at iba pang banta sa seguridad at kapayapaan.










